May hiling daw ang pamahalaan ng Indonesia sa pamahalaan na Pilipinas na ibigay sa kanila si Australian drug kingpin Gregor Johann Haas, kapalit naman ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na nasukol nila sa Jakarta.
Ayon sa ulat ng Philippine News Agency (PNA), kinumpirma umano ng Department of Justice (DOJ) ngayong Miyerkules, Setyembre 4, na nais magkaroon ng "swapping" ang Indonesian government sa dalawang personalidad.
Si Haas ay nasukol ng Bureau of Immigration (BI) fugitive search unit sa Bogo, Cebu noong Mayo 15, na "most wanted drug trafficker" naman umano sa bansang Indonesia.
"Indonesia authorities have accused Haas, who has alleged links to the Sinaloa drug cartel, of being behind the attempt to smuggle into Indonesia on Dec. 11, 2023 a shipment of floor ceramics filled with more than 5 kilograms of the illegal methamphetamine drug substance," mababasa sa website ng BI.
Si Guo ay nahaharap sa contempt order at ilan pang kaso sa Pilipinas bago siya tumakas ng bansa at magtungo sa Malaysia, Singapore, at panghuli nga ay sa Indonesia.
MAKI-BALITA: Hontiveros, nagbabala sa tumulong kay Guo na makatakas: 'Di namin kayo tatantanan'
MAKI-BALITA: PBBM, naglabas ng pahayag tungkol sa pagkakaaresto kay Alice Guo
Samantala, wala pang pahayag ang Malacañang patungkol sa isyu.