Bagama't nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR), bahagyang lumakas ang bagyong Enteng, ayon sa 5:00 a.m. bulletin ng PAGASA ngayong Miyerkules, Setyembre 4, 2024.
Huling namataan ang bagyo sa 265 km West Northwest ng Laoag City, Ilocos Norte. Kasalukuyan din itong kumikilos pa-West Northwest papalayo ng kalupaan.
Magdadala ng malakas na pag-ulan ang hanging Habagat, na pinalalakas ng bagyong Enteng, sa iba't ibang lugar sa Luzon, kabilang ang Metro Manila.
Ayon sa weather bureau, nakataas ang orange rainfall warning sa Bataan.
Yellow rainfall warning naman sa Zambales, Pampanga, Bulacan, at Metro Manila.
Asahan din ang malakas na hangin ngayong Miyerkules at Huwebes sa Ilocos Region, Abra, Benguet, Isabela, Aurora, Zambales, Bataan, Bulacan, Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Western Visayas, Negros Island, Northern Samar.
Samantala, magpapatuloy pa rin ang malalakas na pag-ulan sa susunod na tatlong araw epekto ng hanging Habagat.
Miyerkules, Setyembre 4: Pangasinan, Zambales, Bataan, Occidental Mindoro, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Benguet, Nueva Ecija, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, Cavite, Batangas, RIzal, Laguna, at northern Palawan.
Huwebes, Setyembre 5: Pangasinan, Zambales, Bataan, Occidental Mindoro, Nueva Ecija, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, Cavite, Batangas, Rizal, Laguna, at northern Palawan.
Biyernes, Setyembre 6: Zambales, Bataan, at Occidental Mindoro
Asahan naman ang mga kalat-kalat na pag-ulan sa mga hindi nabanggit na lugar sa Luzon.
Inaasahan ng PAGASA na magla-landfall ang bagyong Enteng sa southern mainland China sa weekend.