November 22, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Vice Ganda, Bela Padilla pinagkatuwaan ang 'shimenet'

Vice Ganda, Bela Padilla pinagkatuwaan ang 'shimenet'
Photo courtesy: via Balita/Screenshots from Kapamilya Online Live (YouTube)

Usap-usapan ang biruan nina "It's Showtime" host Vice Ganda at guest co-host na si Bela Padilla patungkol sa salitang "shiminet/shimenet."

Sa isang episode ng "EXpecially For You" noong Agosto 30 ng nabanggit na noontime show ay ginawa ng mga host ang kunwaring eksena mula sa mga naganap na budget hearing sa Kamara kamakailan, para sa budget ng Office of the Vice President (OVP).

Nagmula ito sa naging sagutan nina Vice President Sara Duterte at House Assistant Minority Leader Arlene Brosas ng Gabriela matapos siyang untagin sa iba't ibang timelines at petsa patungkol sa kaniyang nagdaang confidential funds, ngunit sumagot si VP Sara na nasa Korte Suprema na raw ang pagresolba ng isyu.

Nang tanungin siya ni Brosas kung maaari siyang makakuha ng kopya mula sa Korte Suprema, tahasang sagot ni VP Sara na, "Of course not. I am not the Supreme Court.”

Tsika at Intriga

JC De Vera, na-offend sa 'biro' ni Alex Gonzaga

Ngunit giit ni Brosas, "These are public funds. Everyone has the right to know about these. It’s a matter of public interest. We are asking for transparency and accountability."

Tugon naman ni VP Sara, "She may not like my answer. She may not like how I answer. She may not like the content of my answer, but I am answering."

Ilang mga netizen naman ang ginawang memes ang pagbigkas ng salitang "She may not" na ang tunog ay "Shi-mih-net."

Ang Facebook page na "Linya-Linya" ay nagbigay naman ng depinisyon kung ano ang ibig sabihin ng "Shiminet."

Mababasa, "Short for 'shit, mainit;' pakiramdam kapag ginigisa ka sabay wala kang maisagot, kaya dinadaan mo na lang sa angas, pagpapaligoy-ligoy, at pagpapalusot.

MAKI-BALITA: Salitang 'Shiminet' trending, kanino galing at paano nabuo?

Samantala, maging si Atty. Harry Roque ay hindi nakaligtas sa pabirong hirit ni Vice Ganda na pumapatungkol naman sa viral video nito ng "kadiliman versus kasamaan."