Usap-usapan ang umano'y komento ni Mark Andrew Yulo, tatay ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo, sa isang ulat ng ABS-CBN News patungkol sa iba pang sports na gustong pasukin ng anak kung mabibigyan ng pagkakataon.
Ayon sa "Pinoy Trending" Facebook page, naispatan ng mga netizen ang naging komento ng account na "Mark Andrew Yulo," pangalan ng tatay ni Caloy, sa comment section ng ulat ng ABS-CBN.
Mababasa rito, "Dapat matuto siyang mag-sorry sa kanyang nanay na Mali ang Ang sabihan nya ang kanyang nanay na magnanakaw para gumanda ang kanyang imahen."
Matatandaang sa isang TikTok video ay inamin ni Caloy na nagkaroon sila ng hidwaang mag-ina dahil sa ilang incentives na umano'y ginastos ng kaniyang inang si Angelica Yulo nang walang permiso mula sa kaniya.
MAKI-BALITA: Carlos nagsalita na sa hidwaan nila ng nanay niya; sariling pera, itinago raw sa kaniya?
Kung bibisitahin ang Facebook account ni Mark Andrew, kapansin-pansin ang ilang shared posts niya patungkol sa relasyon ng magulang sa kaniyang anak.
MAKI-BALITA: Shared posts ng tatay ni Carlos Yulo, parinig nga ba sa anak?
Ang latest nga rito ay isang quote card kung saan mababasa ang ganito: "May gantimpala sa panginoon ang sino mang Anak ang may respeto, pagpapahalaga, at pagmamahal sa ating mga magulang."
Payo naman ng mga netizen sa tatay, nawa'y pag-usapan na nilang mag-anak kung anuman ang mga isyu nila sa pamamagitan ng tahimik na paraan.