November 26, 2024

Home BALITA National

PBBM, idineklara Sept. 3, 2024 bilang Day of National Mourning

PBBM, idineklara Sept. 3, 2024 bilang Day of National Mourning
Pangulong Bongbong Marcos at Federico Caballero (Photo: PBBM/FB; NCCA/FB)

Idineklara ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Setyembre 3, 2024 dahil sa pagpanaw ng Manlilikha ng Bayan na si Federico Caballero.

Ang naturang deklarasyon ay sa pamamagitan ng Proclamation No. 678 na nilagdaaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin.

Tubong Panay Bukidnon sa Calinog, Iloilo, si Caballero ay idineklara bilang Manlilikha ng Bayan noong 2000 bilang pagkilala raw sa kaniyang pagpupursiging pangalagaan at palaganapin ang tradisyong Sugidanon ng kaniyang komunidad.

Pumanaw siya noong Agosto 17 sa edad na 88.

National

‘What kind of country is this?’ VP Sara, pinuna ‘di raw pag-aksyon ng gov’t sa banta sa kaniya

“The death of Manlilikha ng Bayan Federico Caballero is a great loss to our nation, and it is appropriate to honor his outstanding commitment to the preservation of the Panay Bukidnon cultural and artistic heritage,” ani Marcos sa proklamasyon.

Sa pamamagitan nito, ang ilalagay raw ang watawat sa kalahating palo mula pagsikat hanggang paglubog ng araw sa lahat ng mga gusali ng gobyerno sa buong Pilipinas at sa ibang bansa sa tuwing Setyembre 3, tulad ngayong Martes.