“I witnessed someone’s death firsthand.”
Nagluksa ang isang nursing student matapos pumanaw ang isang lalaki mula sa Naga City, Camarines Sur na sinubukan niyang sagipin matapos umano itong makuryente sa gitna ng bahang dulot ng pananalasa ng bagyong Enteng sa bansa.
Sa isang Facebook post, shinare ng nursing student na si Zain Cortez ang isang ulat kung saan dead on arrival sa ospital ang 57-anyos na lalaki mula sa Brgy. Concepcion Pequeña, Naga City noong Setyembre 1.
Ibinahagi rin ni Cortez, 18, sa eksklusibong panayam ng Balita kung paano niya nakita ang nangyari sa lalaki na pinilit niyang isalba.
Aniya, bukod sa pagiging nursing student ay isa rin siyang courtside reporter. Katatapos lamang ng kaniyang duty noong gabing iyon at pauwi na sa kanilang bahay nang makita ang nangyari sa lalaki sa gitna ng baha.
“I noticed people na tumatakbo and aligaga sila. When I went to see what was happening, I saw the person na nakasakay doon sa styrofoam. I felt an immense pity for him, as they said he was unconscious and likely dead,” ani Cortez sa Balita.
“At that exact moment, my adrenaline kicked in, and I started to help. Nagpatulong ako sa mga tao na maibaba si kuya doon sa styrofoam and began performing CPR, trying to revive him for several minutes. I asked them to call for help pero wala talaga hindi kaya makapass ng ambulance or kahit anong sasakyan para mabilis siya madala sa hospital,” dagdag niya.
Habang ginagawa ang CPR, hindi raw niya mapigilan ang panginginig dahil sa takot na baka mahuli na ang lahat at pumanaw na ito.
“'God, if there’s a plan for him, if there’s still time, please... let him live.' I pleaded with every ounce of faith I had left,” saad din ni Cortez sa kaniyang post.
“'God, if there’s a plan for him, if there’s still time, please... let him live.' I pleaded with every ounce of faith I had left.”
“I saw his family, desperately wanting their father to survive. Lahat sila sinasabihan na ako na tumigil na kasi wala na daw, but I couldn’t bring myself to give up. I kept going, kept trying, hoping against hope that just a few more compressions might bring him back,” dagdag niya.
Ngunit sa kasamaang palad, makalipas ang halos hindi na mabilang na subok na kaniyang ginawa, doon na inatake si Cortez ng realidad na wala na talaga siyang magagawa. Nawalan na ng buhay ang lalaking nais niyang isalba.
“I walked home umiiyak and basang basa, and when I finally arrived and saw my dad, I couldn’t hold back anymore, I broke down,” ani Cortez.
“As a first aider and nursing student, the experience was profoundly painful and heavy on my heart. My mind was plagued with 'what ifs' wondering if I could have done something to save him.”
“Knowing basic life support is more than just a skill— it's a responsibility we all should embrace. Emergencies can happen anytime, anywhere, and often without warning,” saad pa niya.