November 22, 2024

Home SHOWBIZ

'Deep fake' photos at videos ng BINI, kinondena ng Star Magic

'Deep fake' photos at videos ng BINI, kinondena ng Star Magic
Photo Courtesy: Star Magic, BINI (FB)

Naglabas ng pahayag ang Star Magic hinggil sa pagpapakalat ng mga malisyosong edited photo at video ng mga miyembro ng patok na Nation's girl group na BINI.

Sa Facebook post ng Star Magic nitong Lunes, Setyembre 2, kinondena nila ang mapaminsalang ginagawa ng ilang tao sa mga miyembro ng nasabing grupo.

“We strongly condemn these harmful acts. Our team has already taken action to remove some of these accounts. We are working with the proper government agencies and authorities to identify the individuals behind these acts and pursue legal actions,” pahayag ng management.

Dagdag pa nila: “The safety and well-being of BINI remain our top priority. We will continue to monitor and take all necessary measures against any form of exploitation or harassment”

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Matatandaang hindi ito ang unang beses na naging tampulan ng mapaminsalang gawain ang BINI. Noong Abril ay nauna nang maglabas ng pahayag ang Star Magic para balaan ang mga naninira sa grupo.

Bukod dito, nagsalita rin ang Star Magic head na  si Direk Lauren Dyogi matapos malabag ng ilang fans ang personal space at privacy ng BINI noong Hulyo.

MAKI-BALITA: Star Magic, posibleng kasuhan mga naninira sa BINI at BGYO

MAKI-BALITA: Direk Lauren, nanawagang irespeto ang personal space at privacy ng BINI