November 26, 2024

Home BALITA National

Davao Occidental, niyanig ng 4.5-magnitude na lindol

Davao Occidental, niyanig ng 4.5-magnitude na lindol
Courtesy: Phivolcs/FB

Niyanig ng magnitude 4.5 na lindol ang probinsya ng Davao Occidental nitong Martes ng hapon, Setyembre 3.

Sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 4:46 ng hapon.

Namataan ang epicenter nito 78 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Don Marcelino, Davao Occidental, na may lalim na 10 kilometro.

Wala namang inaasahang posibleng aftershocks o pinsala ang nasabing lindol.

National

‘What kind of country is this?’ VP Sara, pinuna ‘di raw pag-aksyon ng gov’t sa banta sa kaniya