January 25, 2026

Home BALITA Internasyonal

Cardinal Tagle, sinamahan si Pope Francis sa Apostolic Journey nito sa 4 na bansa

Cardinal Tagle, sinamahan si Pope Francis sa Apostolic Journey nito sa 4 na bansa
Luis Antonio G. Cardinal Tagle/FACEBOOK

Sinamahan ni Cardinal Luis Antonio Tagle ang 87-anyos na si Pope Francis sa kaniyang Asia-Pacific tour sa apat na bansa sa susunod na mga araw.

Sa isang Facebook post nitong Martes, ibinahagi ni Cardinal Tagle ang dalawang larawan kung saan makikita ang pag-alis nila sa Flumicino Airport sa Rome, Italy. 

Makakasama rin nina Pope Francis at Cardinal Tagle ang iba pang delegates patungo sa Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Liste, at Singapore.

Ang Asia-Pacific tour ng Santo Papa ay tatagal umano ng 12 araw. Nakatakda silang bumalik sa Rome sa Setyembre 13. 

Internasyonal

12-anyos na lalaki, patay sa kagat ng pating!

Samantala, kasalukuyan nang nasa Jakarta, Indonesia sina Pope Francis, Cardinal Tagle, atbp.