Bunsod ng magdamagang pag-ulan dahil sa Tropical Storm Enteng, itinaas na sa ikalawang alarma ang Marikina River ngayong Lunes, Setyembre 2, 2024.
Kasalukuyang nasa 16.8-meter mark at halos umabot na sa 17-meter ang antas ng tubig ng Marikina River kung saan umapaw na rin ito sa ilang kalsada malapit dto.
Samantala, tanaw na rin sa rumaragasang tubig sa ilog ang mga debris na galing sa mga karatig bayan.
Patuloy ang isinagawang monitoring ng Marikina City Rescue sa posibilidad ng patuloy pang pagtaas ng tubig dito.
Dulot pa rin posibleng malawakang pagbaha, nauna nang sinuspinde ni Marikina Mayor Marcy Teodoro ang lahat ng face-to-face at asynchronous classes sa lahat ng antas sa nuong lungsod. Ang naturang suspensyon ay mula sa anunsyo ng Marikina PIO Facebook page.
Kate Garcia