“NO PETS LEFT BEHIND!’
Nanawagan ang Philippine Animal Welfare Society (PAWS) na huwag pabayaan at siguruhing ligtas ang mga alagang hayop sa gitna ng pananalasa ng bagyong Enteng.
“With the persistent rains and rising floods from #EntengPH, we urge all pet owners to take every possible precaution to protect their pets during these challenging times. In times of crisis, their survival is entirely in your hands,” anang PAWS sa kanilang Facebook post nitong Lunes, Setyembre 2.
Kaugnay nito, nagbigay ang PAWS ng tatlong mga paalala para masiguro ang kapakanan ng mga alagang hayop:
“BE PREPARED. Have your evacuation plan and emergency go-kit ready, complete with essentials like pet food, water, first aid supplies, and medical records. Make sure you know how and where to safely transport your pets.
BE RESOURCEFUL. In emergencies, everyday items like laundry baskets or basins can serve as makeshift carriers.
NEVER LEAVE THEM BEHIND. Your pets are family and should never be abandoned in difficult times. If, for any compelling reason, you absolutely cannot take them with you, PLEASE UNCAGE AND UNCHAIN THEM to give them a fighting chance.”
Base sa tala ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Lunes ng 8:00 ng umaga, Setyembre 2, napanatili ng Tropical Storm Enteng ang lakas nito habang mabagal na kumikilos pa-hilaga hilagang kanluran sa karagatan ng silangan ng Polillo Islands.
MAKI-BALITA: Enteng, napanatili lakas; mabagal na kumikilos sa karagatan ng Polillo Islands
Dahil sa pananalasa ng bagyo, sinuspine na ang klase sa ilang mga lugar na sa bansa, kabilang ang Metro Manila.
MAKI-BALITA: Dahil sa bagyong Enteng: Klase sa ilang mga lugar sa bansa, suspendido sa Sept. 2