December 22, 2024

Home SPORTS

PVL fans nagbabardahan na; 'di tanggap si Ivy Lacsina na maging MVP

PVL fans nagbabardahan na; 'di tanggap si Ivy Lacsina na maging MVP
Photo courtesy: PVL Images (website)

Usap-usapan ngayon ang kumakalat na umano’y individual awards ng Reinforced Conference ng Premier Volleyball League na nakatakdang ianunsyo sa pagkatapos ng championship game.

Sa kumakalat na listahan sa X, tila hindi nagustuhan umano ng volleyball fans ang mga pangalang nakasulat dito, kung saan si Ivy Lacsina ng Akari ang umano’y itatanghal na Most Valuable Player sa liga. Bukod kay Lacsina, ay dalawa pa umanong Akari players ang nasa listahan katulad ni Kamille Cal bilang best setter at Dani Ravena bilang best libero.

Sa kasalukuyang statistic sheet ng PVL, si Bernadette Pons ng Creamline Cool Smashers  ang nangungunang Filipino player bilang best scorer, best digger at best receiver sa liga.

Maraming volleyball fans tuloy ngayon ang tila-mainit ang mata sa koponan ng Akari na hindi maiwasang ibalik ang kontrobersiya sa pagkapanalo nito kontra PLDT.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ayon sa kumakalat na listahan sa ng Individual awards, ang Best Outside hitter ay paghahatian nina Bernadeth Pons at Grethcel Soltones ng Akari. Si MaJoy Baron naman ng PLDT at Jacq Acuna ng Cignal ang magsasalo sa Best Middle Blocker. Sa Creamline din umano magmumula ang Best Opposite Spiker na si Michelle Gumabao at Oly Okaro ng Akari bilang Best Import.

Samantala, dulot ng masamang panahon, naurong ang knockout finals ng PVL kung saan magkakaalaman na nga ng resulta ng individual awards, na nakatakdang ganapin sa Setyembre 4, 2024 sa PhilSports Arena sa Pasig City. 

Kate Garcia