December 23, 2024

Home SPORTS

Panibagong Pinoy para swimmer pasok na ulit sa championship sa 2024 Paralympics

Panibagong Pinoy para swimmer pasok na ulit sa championship sa 2024 Paralympics
Photo courtesy: Screenshot from Paris Paralympic YouTube page

Muling magtatangka si veteran Pinoy para swimmer Ernie Gawilan na magkamit ng gintong medalya matapos makopo ang ikatlong puwesto sa men’s 400m freestyle S7 ngayong Lunes, Setyembre 2, 2024.

Pumangatlo sa ranking si Gawilan , 5:00.13 minuto, na nagbigay sa kaniya ng pagkakataon para maibulsa ang finals ticket para sa gold medal round na gaganapin din ngayong araw, Lunes ng 11:30 gabi, oras sa Pilipinas.

Sinundan ni Gawilan sina Evan Austin ng USA (4:56.54) at Aleksei Ganiuk ng Neutral Paralympic Athletes (4:56.68) upang makapaghatid ng kauna-unahang medalya sa Pilipinas sa para swimming division.

Samantala, 8 sa 9 na para swimmers ang pasok sa gold medal round, habang bigo naman si Yosjaniel Hernandez Velez ng Cuba na makapagpatuloy pa sa susunod finals.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Kate Garcia