January 22, 2025

Home BALITA

'Pa-rescue sa tatay ko!' Netizens, nag-alala sa lolong na-trap sa kubo dahil sa baha

'Pa-rescue sa tatay ko!' Netizens, nag-alala sa lolong na-trap sa kubo dahil sa baha
Photo courtesy: Chel Gonzales Antonio (FB)

Viral ang panawagan ng isang netizen na si "Chel Antonio" matapos niyang humingi ng saklolo sa social media para ma-rescue ang amang si Zaldy Gonzales na inabutan ng malakas na agos ng baha sa kaniyang kubo sa Morong, Rizal.

Isa ang lalawigan ng Rizal sa mga hinagupit ng bagyong Enteng ngayong araw ng Lunes, Setyembre 2.

Ayon kay Chel, hindi na nakaalis ang kaniyang tatay kasama ang mga alagang kambing dahil sa mabilis na pagtaas ng antas ng tubig sa ilog na sinamahan pa ng pagbaha.

"Pa rescue po...PATULONG tatay ko Zaldy Gonzales s tumana di na makatawir..nakulong n ng baha sa kubo po namin.PLSS PO ..sitio tabing ilog san guillermo morong rizal," mababasa sa kaniyang Facebook post, na mabilis namang shinare ng netizens upang makarating sa kinauukulan.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Pa rescue po...PATULONG tatay ko Zaldy... - Chel Gonzales San Antonio | Facebook

Matapos ang higit apat na oras ay nagbigay ng update si Chel na nailigtas na ang kaniyang ama.

"SALAMAT PO SA MGA TUMULONG Okey na Po ANG AKING TATAY Zaldy Gonzales NAI RESCUE N PO ..SAFE NMAN PO SIYA NAKAUWE AT NAKALISTAS SA BAHA..INGAT PO TAYO lahat GOD BLESS U ALL..MARAMING SALAMAT PO ULIT.. thank u lord" aniya.

SALAMAT PO SA MGA TUMULONG Okey na Po... - Chel Gonzales San Antonio | Facebook

Ngunit hindi pa rito natapos ang mga netizen dahil inalam nila kung kasama bang nakaligtas ang mga alagang kambing ni Mang Zaldy.

Ayon sa kaanak ni Zaldy na nagngangalang "Martha Asa" ay naisamang nailigtas ang mga kambing at napakain na rin.

"Salamat po sa concern ng lahat! Patuloy po kaming tutulong pagrescue at pagsalba ng mga hayop at gamit," aniya.

Photo courtesy: Martha Asa (FB)