December 23, 2024

Home SHOWBIZ

Makalipas ang 17 taon: Ejay Falcon, natapos na ang BA Political Science!

Makalipas ang 17 taon: Ejay Falcon, natapos na ang BA Political Science!
Photo courtesy: Ejay Falcon (FB)

Hindi makapaniwala ang aktor at vice governor ng Oriental Mindoro na si Ejay Falcon na natapos niya ang Bachelor of Arts in Political Science major in local government administration sa University of Makati, makalipas ang 17 taon.

Sa panayam ni MJ Felipe kay Ejay para sa TV Patrol, sinabi niyang 2007 pa siya nang mag-enrol sa kolehiyo subalit kinakailangan niyang huminto noon.

Ejay Falcon - Noong ako ay huminto sa pag-aaral para magtrabaho,... | Facebook

Worth it daw ang pagpunta-punta niya sa Maynila mula sa kanilang probinsya para mag-aral. Taas-noo niyang masasabing isa na siyang college graduate ngayon.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

Dahil nasa larangan na rin ng politika ay balak pang kumuha ni Ejay ng Master's Degree program na may kinalaman pa rin sa kaniyang Bachelor's.

Sa panayam sa kaniya ng GMA Network, sinabi ni Ejay na talagang nagpursige siya sa pag-aaral upang maging ehemplo ng kabataan bilang public servant.

Sa kaniyang Facebook post nitong Lunes, Setyembre 2, ay nagpahayag ng kaniyang kasiyahan si Ejay hinggil sa milestone na ito sa kaniyang buhay gayundin para sa mga kagaya niyang nagsipagtapos din ng kanilang pag-aaral.

"Ngayon, habang tayo ay nagdiriwang ng ating mga tagumpay, alalahanin po natin na ang bawat hakbang na ating tinahak ay nagbigay-daan sa mga oportunidad na darating. Ang mga aral po na ating natutunan ay hindi lamang mga kaalaman kundi mga gabay na magdadala sa atin sa mas maliwanag na hinaharap," aniya.

"Ano ang Susunod?"

"Tuklasin ang mga bagong oportunidad: Huwag po tayong matakot na subukan ang mga bagay na bago. Ang mundo ay puno ng mga posibilidad!"

"Patuloy na matuto: Ang pagtatapos po ay hindi katapusan ng pag-aaral. Patuloy tayong mag-aral at lumago sa ating mga napiling larangan."

"Ibahagi ang iyong kaalaman: Maging inspirasyon sa iba. Ang iyong karanasan ay maaaring maging gabay para po sa mga susunod na henerasyon."

"Tayo po ay magpatuloy sa pag-abot ng ating mga pangarap at gawing makabuluhan ang bawat pagkakataon. Congratulations sa lahat ng mga nagtapos!" aniya pa.

Ejay Falcon - #MondayMotivation Pagtatapos ng Pag-aaral:... | Facebook

Congratulations, Ejay!