November 26, 2024

Home BALITA National

Makabayan senatorial bet Liza Maza kay VP Sara: 'Stop acting like a spoiled brat'

Makabayan senatorial bet Liza Maza kay VP Sara: 'Stop acting like a spoiled brat'
MULA SA KALIWA: Makabayan Coalition senatorial bet Liza Maza at Vice President Sara Duterte (Facebook)

Iginiit ni dating Gabriela Party-list Representative at Makabayan Coalition senatorial bet Liza Maza na dapat bigyan ang Office of the Vice President (OVP) ng “zero budget” matapos umanong ipakita ni Vice President Sara Duterte ang kaniyang pagiging “spoiled brat” sa pagdinig ng Kamara kamakailan at sa gitna ng isyu ng confidential funds nito.

Sa isang pahayag nitong Lunes, Setyembre 2, binanggit ni Maza ang nangyaring pagdinig sa Kamara hinggil sa proposed budget ng OVP kung saan tumanggi si Duterte na sagutin ang ilang mga katanungan ng mga mambabatas.

“You are answerable to the people,” mensahe ni Maza kay Duterte. “As a public servant, you have betrayed the public trust by failing to provide transparency and clarity about how these funds were used.”

“Kitang-kitang ng taumbayan kung paano mo salaulain ang proseso. Pera mo ba ‘yan? Pera ‘yan ng mamamayan at bawat pisong gagastusin ay dapat mong ipaliwanag. Stop acting like a spoiled brat,” dagdag niya.

National

‘What kind of country is this?’ VP Sara, pinuna ‘di raw pag-aksyon ng gov’t sa banta sa kaniya

Samantala, iginiit din ng Makabayan senatorial bet na mahalagang busisiin ang ₱125 million confidential funds ng OVP noong 2022 na naiulat na ginastos sa loob ng 11 araw.

MAKI-BALITA: ₱125-M confidential funds ng OVP, ginastos sa loob ng 11 araw – Quimbo

Matatandaang kamakailan lamang ay inatasan ng Commission on Audit (COA) ang OVP na ibalik ang ₱73.287 million sa naturang ₱125 million confidential funds kaugnay ng Notice of Disallowance umano nito. Aapela naman daw ang opisina ni Duterte sa naturang Notice of Disallowance na inisyu ng COA.

“The fact that such amount was given to the OVP without clear guidelines or accountability mechanisms is not just questionable—it’s unacceptable,” ani Maza. 

“Every peso of public money must be accounted for, and lump-sum allocations like this are particularly prone to misuse. We must demand a full explanation of where this money went.”

“Sara Duterte and her office deserve a zero budget,” giit pa niya.  

Samantala, sinabi ni Maza, dati ring chairperson ng National Anti-Poverty Commission, na mas mabuting gamitin ang confidential intelligence funds, kabilang na raw ang kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa social services na direktang mapapakinabangan ng mga mamamayan, tulad sa aspeto ng edukasyon, healthcare at poverty alleviation programs. 

"Imagine how many classrooms could be repaired or how many health centers could be funded with ₱125 million,” saad ni Maza.

"Instead, we're left in the dark about how this money was used, while critical social services remain underfunded.”

Si Maza ang isa sa sampung senatorial candidates ng Makabayan Coalition para sa 2025 midterm elections.

MAKI-BALITA: Makabayan Coalition, pinangalanan na kanilang 10 senatorial bets sa 2025