November 10, 2024

Home BALITA National

Ex-VP Leni, lumusong sa baha para alamin kalagayan ng Nagueños

Ex-VP Leni, lumusong sa baha para alamin kalagayan ng Nagueños
Courtesy: Dating Vice President Leni Robredo/FB

Lumusong sa baha si dating Vice President Leni Robredo upang personal na alamin ang kalagayan ng mga residente ng Naga City sa gitna ng pananalasa ng bagyong Enteng.

Sa isang Facebook post nitong Linggo ng gabi, Setyembre 1, nagbahagi ang opisyal na page ni Robredo ng ilang mga larawan kung saan makikita ang pagbisita niya sa bawat barangay ng Naga City.

“Barangays in Naga City flooded due to the heavy rainfall brought by #EntengPH,” nakasaad sa caption ng naturang post.

“Atty. Leni going around the communities to personally check on fellow Nagueños,” dagdag pa.

National

De Lima 'unbreakable' daw, may dokumentaryo ng life story

Isa ang Naga City, at buong Camarines Sur, sa mga nagdeklara ng suspensyon ng mga klase ngayong Lunes dahil sa pananalasa ng bagyong Enteng.

MAKI-BALITA: Dahil sa bagyong Enteng: Klase sa ilang mga lugar sa bansa, suspendido sa Sept. 2

Base sa tala ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Lunes ng 8:00 ng umaga, Setyembre 2, napanatili ng Tropical Storm Enteng ang lakas nito habang mabagal na kumikilos pa-hilaga hilagang kanluran sa karagatan ng silangan ng Polillo Islands.

MAKI-BALITA: Enteng, napanatili lakas; mabagal na kumikilos sa karagatan ng Polillo Islands

Samantala, matatandaang inihayag ni Robredo kamakailan na plano niyang tumakbo bilang alkalde ng Naga City sa 2025 elections, sa halip na bilang senador ng bansa.

MAKI-BALITA: Robredo, ipinaliwanag dahilan ng hindi niya pagtakbo bilang senador sa 2025