November 22, 2024

Home BALITA National

Dahil sa pag-ulan, banta ng lahar flow sa bulkang Mayon, tinututukan–Phivolcs

Dahil sa pag-ulan, banta ng lahar flow sa bulkang Mayon, tinututukan–Phivolcs
FILE Photo courtesy: Mayon Volcano, Legazpi City, Albay (FB)

Nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Lunes ng umaga, Setyembre 2, 2024 sa posibleng banta ng lahar flow mula sa bulkang Mayon.

Ayon sa Phivolcs, ang matinding pag-ulan dahil sa Tropical Storm Enteng ay maaaring magdulot ng pag-apaw ng lahar na naka-ambang direktang dumaloy sa ilang karatig na komunidad sa paanan ng bulkan.

Kabilang sa ilang lugar na nasa heightened lahar risk ay ang Miisi, Binaan, Anoling, Quirangay, Maninila,bali Masarawag, Muladbucad, Nasisi, Mabinit, Matan-ag, Bonga, Buyuan, Basud, at Bulawan sa Albay.Maaaring makaranas ng pagbaha at tuluyang malubog sa pinaghalong lahar ang mga lugar na nabanggit. 

Samantala, hinimok din ng Phivolcs ang mga residente at Local Government Unit (LGU) nasa risk area na manatiling naka-antabay sa ulat panahon at iantabay ang agarang pagpapatupad ng preemptive measures sa lugar.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Kate Garcia