Nakataas pa rin sa Signal No. 2 at 1 ang malaking bahagi ng Luzon dahil sa Tropical Storm Enteng na kasalukuyang kumikilos sa karagatan ng silangan ng Polillo Islands, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) dakong 11:00 ng umaga nitong Lunes, Setyembre 2.
Sa tala ng PAGASA, huling namataan ang bagyong Enteng 115 kilometro ang layo sa northeast ng Infanta, Quezon o 85 kilometro ang layo sa east southeast ng Baler, Aurora.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometers per hour, at pagbugsong aabot sa 90 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo panorth-west sa bilis na 15 kilometers per hour.
Dahil dito, nakataas sa Signal No. 2 ang mga sumusunod na lugar sa Luzon:
Northern portion ng Ilocos Norte
Apayao
Eastern portion ng Kalinga (Rizal, Pinukpuk, City of Tabuk)
Cagayan kabilang na ang Babuyan Islands
Isabela
Quirino
Northern portion ng Aurora (Casiguran, Dilasag, Dinalungan, Dipaculao, Baler)
Polillo Islands
Northern portion ng Camarines Norte (Santa Elena, Capalonga, Jose Panganiban, Paracale, Vinzons)
Nakataas naman sa Signal No. 1 ang mga sumusunod:
Batanes
Mga natitirang bahagi ng Ilocos Norte
Ilocos Sur
La Union
Eastern portion ng Pangasinan (Rosales, Asingan, Binalonan, Sison, San Manuel, Santa Maria, Balungao, San Quintin, Tayug, Umingan, Natividad, San Nicolas)
Abra
Mga natitirang bahagi ng Kalinga
Mountain Province
Ifugao
Benguet
Nueva Vizcaya
Mga natitirang bahagi ng Aurora
Nueva Ecija
Eastern portion ng Pampanga (Candaba)
Eastern portion ng Bulacan (Doña Remedios Trinidad, Norzagaray, City of San Jose del Monte, Obando, City of Meycauayan, Bocaue, Balagtas, Bustos, Baliuag, Pandi, Santa Maria, Marilao, Angat, San Rafael, San Ildefonso, San Miguel)
Metro Manila
Mga natitirang bahagi ng Quezon
Rizal, Laguna
Eastern portion ng Batangas (San Juan, Santo Tomas, City of Tanauan, Lipa City, Malvar, Balete, Padre Garcia, Rosario)
Marinduque
Mga natitirang bahagi ng Camarines Norte
Camarines Sur
Catanduanes
Albay
Ayon sa PAGASA, inaasahang magla-landfall ang bagyong Enteng sa Isabela o Cagayan ngayong Lunes ng tanghali o gabi, bagama’t hindi pa naman umano inaasahan ang pag-landfall nito sa northern Aurora.
Samantala, inaasahang lalakas pa ang bagyo at itataas sa “severe tropical storm” category sa Miyerkules, Setyembre 4, at “typhoon” category pagsapit ng Biyernes, Setyembre 6.