November 26, 2024

Home BALITA National

'Bago matulog!' PBBM, nais maagang pag-anunsyo ng work, class suspension

'Bago matulog!' PBBM, nais maagang pag-anunsyo ng work, class suspension
Courtesy: Pangulong Bongbong Marcos/FB

Ipinahayag ni Pangulong Ferdinand ''Bongbong'' Marcos Jr. na inatasan niya ang mga kinauukulang ahensya ng gobyerno na agahan ang kanilang pag-anunsyo ng suspensyon ng trabaho at klase dahil sa sama ng panahong dulot ng bagyong Enteng.

Sa panayam ng mga mamamahayag nitong Lunes, Setyembre 2, sinabi ni Marcos na dapat malaman agad ng publiko kung magkakaroon ba ng kanselasyon ng pasok kinabukasan.

''We will try to give the bulletin as early as possible for work and school tomorrow,” anang pangulo.

“Ang instruction ko sa kanila kung maaari, bago tayo matulog alam na natin kung may pasok bukas o hindi para makapag-adjust naman 'yung mga tao,” dagdag niya.

National

‘What kind of country is this?’ VP Sara, pinuna ‘di raw pag-aksyon ng gov’t sa banta sa kaniya

Matatandaang nagkansela ng mga klase ang ilang mga lugar sa bansa, kabilang ang Metro Manila, ngayong Lunes dahil sa bagyong Enteng.

MAKI-BALITA: Dahil sa bagyong Enteng: Klase sa ilang mga lugar sa bansa, suspendido sa Sept. 2

Base sa pinakabagong advisory ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nag-landfall na ang Tropical Storm Enteng sa vicinity ng Casiguran, Aurora dakong 2:00 ng hapon.

MAKI-BALITA: Bagyong Enteng, nag-landfall na sa vicinity ng Casiguran, Aurora