Inanunsyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Linggo, Setyembre 1, na nabuo na bilang isang ganap na bagyo ang low pressure area (LPA) sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR).
Sa advisory ng PAGASA, ibinahagi nitong nabuo bilang bagyo ang LPA sa silagangan ng Eastern Visayas dakong 8:00 ng umaga.
Ilalabas naman daw ng weather bureau ang una nitong Tropical Cyclone Bulletin mamayang 11:00 ng umaga.
Ang bagyong Enteng ang ikalimang bagyo sa bansa ngayong 2024.
Matatandaang kamakailan lamang ay inihayag ng PAGASA na dalawa hanggang tatlong bagyo ang posibleng pumasok o mabuo sa loob ng PAR hanggang sa buwan ng Setyembre.
MAKI-BALITA: ALAMIN: Ilang bagyo pa ba ang posibleng magkaroon ang PH bago matapos ang 2024?