Panibagong team ang minamatahang kukuha sa babakantihing slot ng PLDT High Speed Hitters sa susunod na Premier Volleyball League Invitational Conference na gaganapin sa Setyembre 4 -12, 2024.
Matatandaang inanusyo rin ng PLDT nitong Linggo, Setyembre 1, 2024 ang opisyal na pagsasampa nila ng file complaint sa UAAP board kasunod ng kontrobersiya sa pagkatalo nila kontra Akari sa semi-finals ng PVL.
Samantala, nilinaw naman ni PLDT Head Coach Rald Ricafort na ang kanilang pagliban sa susunod na conference ay walang kinalaman sa isyung kinahaharap ngayon ng koponan kontra PVL board. Ayon kay Ricafort, health related issues umano ang dahilan ng kanilang pagliban sa Invitational Conference at nauna na rin daw nila maipasa ang kanilang opisyal na pagliban, noong nakaraang linggo pa.
“Yes we passed a letter last week na mag-pass sa Invitational conference. Maraming may injuries ngayon na nilaban lang ang conference,” saad ni Ricafort sa isang panayam sa media.
Balak din namang makabalik ng koponan sa liga sa darating na Nobyembre para sa panibagong conference ng liga.
Hanggang ngayon ay wala pang kinukumpirma ang PVL board kung sino nga ba ang koponan na papalit sa PLDT matapos ianunsyo ang muling pagbabalik ng Invitational Conference defending champion Kurashiki Ablaze ng Japan at EST Cola na matapos ang 8 taon balik bansa na muli.
Kate Garcia