November 26, 2024

Home SPORTS

Single kaya? Bagong chairperson ng NYC, pinagpiyestahan

Single kaya? Bagong chairperson ng NYC, pinagpiyestahan
Photo courtesy: Jeff Ortega (FB)

Usap-usapan ang bagong talagang chairperson ng National Youth Commission (NYC) na si Joseph Francisco Ortega na tila nakuha agad ang atensyon ng mga netizens.

Nitong Huwebes, Agosto 29, 2024 nang pangalanan ni President Ferdinand Marcos Jr. ang panibagong chairperson ng NYC. Pinalitan ni Ortega sa posisyon si Ronald Cardema na siyang founder ng Duterte Youth-Partylist.

Ang National Youth Commission ay naitatag noong 1995 alinsunod sa Republic Act 8044 o mas kilala sa tawag na Youth in Nation-Building Act na nagsusulong sa kapakanan at mga pambansang programa para sa mga kabataan.

Ayon sa inilabas na pahayag ng Presidential Communication Office (PCO) sa kanilang website, kumbinsido raw ang Presidente sa kakayahan ni Ortega na pangunahing paglingkuran ang kabataan.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Ortega is well-positioned to lead NYC in its mission to develop and implement policies that will further the welfare and development of young Filipinos across the country,” dagdag pa ng PCO.

Si Ortega ay nauna nang nagsilbi bilang Regional Director ng Department of Tourism sa Region 1 noong 2019.

Agad naman naging umpukan ng mga netizens ang mga litratong naglabasan online kung saan tila marami ang kinilig at marami ring kuro-kuro na ang pagkakaluklok kay Ortega ay upang palitan si Cardema na umano’y may kinalaman sa sigalot ng mga Duterte at Marcos.

Pero tila maaga ring matutuldukan ang pantasya ng netizens dahil si Ortega pala ang kasalukuyang long term relationship sa loob ng 8 taon ng aktres na si Jasmine Curtis-Smith.

Samantala, hindi naman naglabas ng saloobin ang Palasyo tungkol dito.

Kate Garcia