November 22, 2024

Home SPORTS

Semi-finals ng PVL sa pagitan ng PLDT vs Akari, nagkadayaan daw?

Semi-finals ng PVL sa pagitan ng PLDT vs Akari, nagkadayaan daw?

Inuulan ngayon ng kontrobersya ang pagpasok ng Akari sa championship ng Reinforced Conference ng Premier Volleyball League (PVL) matapos ang dikit na pagkapanalo nito kontra PLDT High Speed Hitters nitong Sabado, Agosto 31, 2024 sa SM Mall of Asia Arena.

Umabot sa sa isang 5 setter match-up ang bakbakan ng Akari at PLDT, 25-22, 18-25, 22-25, 26-24, 17-15, kung saan usap-usapan ngayon ang umano’y wrong call ng liga sa fifth set na naging sanhi ng pag-arangkada ng Akari.

Sa kasagsagan ng 5th set kung saan lamang ng isa at nasa match point na ang PLDT, tumawag ng challenge “net-fault” violation ang koponan kontra kay Akari middle blocker Ezra Madrigal. Ang naturang net fault challenge ay idineklarang challenge unsuccessful ng liga bagama’t tumama nga talaga si Madrigal sa net.

Lalong naging mainit ang pagtatapos ng 5th set dahil binigay din ang puntos sa Akari kung saan naging 14-14 ang iskor. Ang naturang ruling ay dahil umano sa delaying the game ng PLDT sa pagtawag ng challenge sa gitna ng laban.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ang desisyon ng PVL board ay naging usap-usapan at mabilis na umani ng mga reaksiyon. Sa isang X post din ng PLDT High Speed Hitters, tila nag-iwan sila ng maikling mensahe.

“Bakit?” post ng koponan matapos ang laro.

Samantala, nilinaw naman ng pamunuan ng PVL na ang kanilang naging desisyon ay malinaw na nakabatay sa International Volleyball Federation (FIVB) rulings. Sa international rulings kase, malinaw na nakasaad dito ang hatol na maaaring ibigay sa net touch fault violation.

Ayon sa FIVB 3.21, hindi na maaaring tawagan ng net fault ang isang blocker na dumanti sa net kapag ang bola ay “playable” na. Sa kaso ng Akari at PLDT, ang pagdanti ni Madrigal sa net at ay nasabayan na agad ng first ball ni Oly Okar. Bunsod nito “the ball is playable already” at hindi na pasok sa contested call. Ang pagtawag naman ng PLDT ng challenge sa kalagitnaan ng laro ay naging hatol ng liga dahil ang kanilang challenge ay unsuccessful at nagresulta ng delaying the game.

Pasok ang Akari sa finals sa unang pagkakataon kung saan nakatakda nilang harapin ang reigning champions at batikang koponan ng Creamline Cool Smashers. Magsisimula ang finals sa Lunes, Setyembre 2 sa Araneta Coliseum sa Quezon City.

Kate Garcia