Nagbigay ng puna si dating Commission on Elections (Comelec) commissioner Rowena Guanzon hinggil sa mga kumukutya sa “shimenet” ni Vice President Sara Duterte.
Sa Facebook post ni Guanzon nitong Linggo, Setyembre 1, sinabi niya na ituon umano ang puna sa budget proposal ng Office of the Vice President sa halip na sa pagiging bisaya ng bise-presidente.
“Ang sa akin lang focus tayo sa budget ng OVP. Huwag na sa shimenet or anong pagmock ng ilan sa pagiging bisaya kay Inday sara,” pahayag ni Guanzon.
“Tandaan niyo, ganyan din ang puna kay erap nung 1998, sinasadya man niya or not pero siya parin nanalong Pangulo dahil mas relate ang mga maliliit,” sulat niya.
Dagdag pa niya: “Uulitin ko nanaman, isa ako sa nagtulak against confidential funds hindi lang sa vice president kundi sa lahat ng ahensya ng gobyerno kasama ang sa Presidente.”
Matatandaang nag-trending ang “shimenet” matapos okrayin ng mga netizen ang sinabi ni Duterte sa kontrobersiyal na budget hearing ng OVP sa House of Representatives kamakailan.
MAKI-BALITA: Salitang 'Shiminet' trending, kanino galing at paano nabuo?