December 22, 2024

Home SPORTS

Resbak ng personalities pabor sa PLDT, bumuhos

Resbak ng personalities pabor sa PLDT, bumuhos
Photo courtesy: Photo courtesy: PVL (FB), @marujabanaticla (X), @TeamAMDG (X), Marck Espejo (FB)

Tila hindi lang fans ng PLDT High Speed Hitters ang na-highblood sa desisyon na hindi tawagan ng net fault ang koponan ng Akari at pinaboran pa ito ng isang puntos sa kanilang 5-setter match-up ng Premier Volleyball League (PVL) Boardi dahil pati nga ang iba pang sports personalities ay nanggigil na rin.

Bumaha sa X ang mga posts dahil sa dayaan umano at hindi patas na resulta ng laban ng PLDT at Akari. Agad na nag-trending ang resulta bagama’t naglabas ng opisyal na klaripikasyon si PVL Commissioner Sherwin Malonzo sa kanilang naging basehan.

KAUGNAY NA BALITA: Semi-finals ng PVL sa pagitan ng PLDT vs Akari, nagkadayaan daw?

Kaya naman pati ang iba pang PVL players at sports personalities ay nakuha rin ang inis at hindi na napigilang maglabas na saloobin sa X.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Si PetroGazz middle blocker Rem Palma isang gigil na post ang iniwan.

“Every team in the PVL deserves a better officiating system. Period!”

Isang simpleng post din ang nagmula kay Joy Dacoron

“RIP replay”

Si PetroGazz setter naman, idinaan sa isang letra ang kaniyang saloobin.

“K.”

Marami rin ang nag-repost sa post ni dating UST standout Marjua Banaticla.

“WTF was that…”

Si Alas Pilipinas men’s player Marck Espejo, may pasaring din habang management.

“Ref’s challenge parang di ko pa nakikita”

Maging si DJ Chacha ay G na G ding nagpost at tinanong kung may nakatulog daw kaya ng mahimbing?

“Kung net touch ka talaga tapos hindi ka umamin makatulog ka kaya nang mahimbing niyan?”

Habang si Trina Guytingco naman na partner ni PLDT Jessey De Leon, ay nagpost din nang naka-all caps sa sobrang galit.

“THESE GIRLS COULD’VE HAD THEIR FIRST FINALS APPEARANCE BUT YOU DID THEM SO DIRTY”

Samantala, sa kabila ng kabi-kabilang online protest at bagama’t naghain na rin ng formal complaint ang PLDT, nananatiling matibay ang desisyon ng PVL Board at tuloy ang knockout finals ng Akari Chargers at Creamline Cool Smashers sa Lunes, Setyembre 2, 2024.