November 14, 2024

Home BALITA

Pamamahayag, nasa ugat na ni Henry Omaga-Diaz

Pamamahayag, nasa ugat na ni Henry Omaga-Diaz
Photo Courtesy: Screenshot from Bernadette Sembrano (YT)

Ibinahagi ni ABS-CBN news anchor Henry Omaga-Diaz ang mga naiisip niya bilang mamamahayag ngayong iiwan na niya ang Pilipinas.

Sa latest episode ng vlog ni Bernadette Sembrano noong Sabado, Agosto 31, sinabi niyang nasa ugat na raw niya ang pagiging journalist at hindi na mawawala pa.

“Aalis ako na at the time na ang daming nangyayari sa atin. E, kung journalist minsan ‘pag may mga big events parang hindi ka mapakali as a journalist,” saad ni Henry.

“All my life ‘pag may malalaking event, nagko-cover. Automatic ‘yan nando’n ako. Only this time, ang daming events, ang daming pangyayari, hindi ako makakapag-cover dahil paalis na ako,” wika niya.

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

Dagdag pa niya: “Mahirap alisin sa system ‘yong pagiging journalist, e. Kahit siguro nasa Canada, e, somehow, some way I’ll get involve sa journalism. It’s in my vain.”

Matatandaang sa isang episode ng TV Patrol ay inanunsiyo na ni Henry ang kaniyang pamamaalam sa nasabing flagship newscast program ng Kapamilya Network para pumunta sa Canada kapiling ang pamilya nito.

MAKI-BALITA: Jeff Canoy, mamimiss si Henry Omaga-Diaz: 'Thank you for mentorship'