November 23, 2024

Home FEATURES Human-Interest

Manunulat, may panawagan sa mga independent publisher sa Pilipinas

Manunulat, may panawagan sa mga independent publisher sa Pilipinas
Photo Courtesy: Edgar Calabia Samar (FB), Freepik

Naglabas ng bukas na liham ang manunulat at gurong si Edgar Calabia Samar para manawagan sa mga independent publisher sa Pilipinas.

Sa kaniyang Facebook post nitong Linggo, Setyembre 1, inihayag ni Samar ang interes niyang matulungan ang mga publisher sa bansa sa pamamagitan ng paglalagay ng mga kopya ng librong inilalathala ng mga ito sa aklatan ng Ateneo De Manila University kung saan siya nagtuturo.

Ayon kay Samar: ”Every year, our department gets a budget to acquire books for the Rizal Library, but I've noticed that most of the books in the library come from mainstream and university presses.” 

“I'd love to help broaden this collection because I know how many valuable literary works are published independently. If your books aren't yet in the Rizal Library catalog, I'd be grateful if you could send me your list of titles at [email protected],” aniya. 

Human-Interest

Color code sa shopping basket 'pag namimili sa dept. store, bet ng Pinoy netizens

Dagdag pa niya: “I'll do my best to advocate for the library to purchase at least one copy of each of your books so that students and researchers can access them. While we will prioritize literary titles, we're open to considering any local books.”

Maliban dito, hinikayat din ni Samar ang mga kapuwa-guro at iba pang departamento ng Panitikan sa lahat ng kolehiyo at pamantasan sa Pilipinas na hilingin din sa kani-kanilang aklatan na bumili at maglagay ng mga librong mula sa mga independent publisher.

Si Samar ang umakda sa serye ng mga nobelang young adult na “Janus Silang.” Siya rin ang sumulat ng “Trilohiya ng mga Bilang” na binubuo ng tatlong nobela: “Walong Diwata ng Pagkahulog,” “Sa Kasunod ng 909,” at “Teorya ng Unang Panahon.”

MAKI-BALITA: SanTENakpan: Si Janus Silang sa loob ng isang dekada