October 12, 2024

Home SHOWBIZ Pelikula

Leandro Baldemor, inakalang totoo ang tukaan sa mga pelikula

Leandro Baldemor, inakalang totoo ang tukaan sa mga pelikula
Photo Courtesy: Screenshots from Toni Talks (YT)

Minsan mo rin bang inakala na totoo ang mga eksena ng tukaan na itinatampok sa mga maseselang pelikula gaya ng dating sexy actor na si Leandro Baldemor?

Sa latest episode kasi ng “Toni Talks” nitong Linggo, Setyembre 1, ikinuwento ni Leandro na akala raw niya dati bago siya makapasok sa showbiz ay totoo ang mga kissing scene sa pelikula.

Ayon sa kaniya: “Noong una, natawa pa nga kami dahil akala ko, ‘pag kissing scene totoo. Tinuro sa amin kung papaano. Tinuro sa akin. Kasi, si Abby [Viduya] naman, marunong na.”

“So, tawang-tawa sa akin si Abby. ‘Naku, hindi ganyan!’ [...] Kissing scene, e. Tapos nagda-dialogue kami. Sorry, ‘di ko alam. So, may blocking pala. Pwedeng hindi kiss, pwedeng lapat lang para may ayos,” dugtong pa niya.

Pelikula

Trailer ng 'Hello, Love, Again' mapanakit; theme song, 'Palagi' nina TJ Monterde-KZ Tandingan

At dahil napag-usapan na rin ang tungkol sa kissing scenes, inusisa ni Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga kung hindi raw ba nadadala si Leandro kapag giangawa ang mga maseselang eksena.

“Ako, sa akin, ha…Pananaw ko ‘to para sa sarili ko. Hindi mawawala. Hindi pupuwedeng wala akong maramdaman kasi love scene ‘yon, e. Nakita mo nang walang damit ‘yong babae. So, do’n pa lang medyo iba na ‘yong pakiramdam mo,” aniya.

MAKI-BALITA: Leandro, aminadong nadadala sa mga maseselang eksena: 'Lalaki tayo!'

Samantala, sa isang bahagi naman ng panayam, pinangalanan ni Leandro sina Abby at Rosanna Roces bilang pinakapaborito niyang leading lady.

MAKI-BALITA: Urirat kay Leandro: Pinya ni Rosanna, natikman ba niya?

MAKI-BALITA: 'Kaskas' ni Osang, di mawala sa isip ni Leandro