December 22, 2024

Home SPORTS

Jaja Santiago kinuyog; nakisawsaw sa isyu ng PLDT?

Jaja Santiago kinuyog; nakisawsaw sa isyu ng PLDT?
Photo courtesy: Jaja Santiago (IG) and PLDT High Speed Hitters (FB)

Tila hindi nagustuhan ng maraming volleyball fans ang post ni dating National team player na ngayo’y Japanese citizen na rin na si Jaja Santiago sa umano’y post tungkol sa kontrobersyal na resulta ng laban ng Akari at PLDT sa Premier Volleyball League semi-finals.

KAUGNAY NA BALITA: Semi-finals ng PVL sa pagitan ng PLDT vs Akari, nagkadayaan daw?

Si Jaja ay asawa ni Akari Head Coach Takayuki Minowa na siyang naghatid sa unang championship appearance ng Akari sa PVL.

Sa post ni Jaja sa X, sinabi niyang hindi naman daw lahat ay kayang ma-please bagama’t may malinaw na basehan ang rulings sa kontrobersyal desisyon sa liga na pumabor sa Akari.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“Hindi naman natin ma-piplease lahat ng tao. Kahit makita nila yung rule at malaman kung ano yung tama o mali. For sure ang opinion nila ay ang laging tama. No need to explain and kunin ang loob ng mga tao kase in the end ikaw lang din ang mapapagod,” ani Jaja sa kaniyang unang post.

Sinundan din niya ito ng isa pang thread kung saan tinapos niya ito sa isang hashtag na peace and love.

“Let’s stop the hate and spread the love. Let’s just respect each other’s opinions. Just be careful na wag makasakit ng ibang tao. Praying for everyone’s peace and comfort. Congratulations to both teams. They really did their best until the end. #PeaceAndLove,” dagdag pa ni Jaja.

Photo courtesy: Screenshot from Jaja Santiago (X)

Hindi naman ito tinanggap ng netizens na sinabing wala raw peace and love kung walang hustisya sa maling tawag. Hindi rin tuloy naiwasan ng mga netizens na buweltahan ang personal na pagkakaugnay ni Jaja sa Akari dahil sa kaniyang asawa. Nadamay na rin pati ang citizenship niya.

“Of course sasabihin mong stop the hate kase asawa mo yung coach”

“Ganito ba kapag Japanese ka na???”

“Huwag ka na makisali dito beh, diyan ka na sa Japan. Clear na net touch yun”

“Jaja, though all feelings are valid, it's not right to invalidate the protest of PLDT and their fans”

“Jaja ikaw mismo you should know better. Lol syempre asawa mo yan teh”

“Ate Ja, it’s clear PLDT was robbed. Huwag mo na pagtakpan asawa mo”

Samantala, hindi na rin naman sumagot si Jaja sa mga pang-aatake sa kaniya sa comment sections bagama’t hindi niya rin binura ang naturang post.