Nakataas sa Signal No. 1 ang 14 lugar sa bansa dahil sa Tropical Depression Enteng, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Linggo ng hapon, Setyembre 1.
Sa tala ng PAGASA kaninang 2:00 ng hapon, huling namataan ang bagyong Enteng 110 kilometro ang layo sa East Northeast ng Catarman, Northern Samar.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers per hour, at pagbugsong aabot sa 55 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo pahilagang-kanluran sa bilis na 30 kilometers per hour.
Dahil dito, itinaas sa Signal No. 1 ang mga sumusunod na lugar:
Luzon:
Eastern portion ng Isabela (Palanan, Dinapigue)
Eastern portion ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan)
Eastern portion ng Camarines Norte (Mercedes, Basud)
Eastern portion ng Camarines Sur (Presentacion, Garchitorena, Caramoan, Calabanga, Naga City, Pili, Bombon, Magarao, Ocampo, Baao, Nabua, Bula, Balatan, Bato, Milaor, Minalabac, Camaligan, Saglay, Iriga City, Buhi, Tigaon, San Jose, Goa, Siruma, Tinambac, Lagonoy, Canaman, Gainza, San Fernando)
Catanduanes
Albay
Sorsogon
Burias Island
Ticao Island
Visayas
Northern Samar
Samar
Eastern Samar
Biliran
Northeastern portion ng Leyte (Babatngon, San Miguel, Tacloban City, Alangalang, Santa Fe, Palo, Barugo)
Ayon sa PAGASA, inaasahang lalakas pa ang bagyo at itaas sa tropical storm category bukas ng Lunes, Setyembre 2.
“On the forecast track, a landfall and passage over the localities in Bicol Region-Eastern Visayas area is not ruled out within the next 48 hours,” saad pa ng PAGASA.