Bahagyang lumakas ang Tropical Depression Enteng habang nasa katubigan ito sa hilagang-silangan ng Northern Samar, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) dakong 5:00 ng hapon nitong Linggo, Setyembre 1.
Sa tala ng PAGASA, huling namataan ang bagyong Enteng 100 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Catarman, Northern Samar o 115 kilometro ang layo sa silangan timog-silangan ng Virac, Catanduanes.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour, at pagbugsong aabot sa 70 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo pahilagang-kanluran sa bilis na 15 kilometers per hour.
Dahil dito, itinaas sa Signal No. 1 ang mga sumusunod na lugar:
Luzon:
Southeastern portion ng Cagayan (Baggao, Peñablanca)
Eastern portion ng Isabela (Palanan, Dinapigue, Divilacan, San Agustin, San Guillermo, Jones, Echague, San Mariano, Maconacon, San Pablo, Cabagan, Tumauini, Ilagan City)
Southern portion ng Quirino (Nagtipunan, Maddela)
Northern portion ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao, Baler)
Polillo Islands
Southern portion ng mainland Quezon (Tagkawayan, Guinayangan, Buenavista, San Narciso, Mulanay, San Andres, San Francisco, Lopez, Calauag, Catanauan, Gumaca, Macalelon, General Luna, Quezon, Alabat, Perez)
Camarines Norte
Camarines Sur
Catanduanes
Albay
Sorsogon
Masbate kabilang na ang Ticao at Burias Islands
Visayas:
Northern Samar
Samar
Eastern Samar
Biliran
Northeastern portion ng Leyte (Babatngon, San Miguel, Tacloban City, Alangalang, Santa Fe, Palo, Barugo)
Ayon sa PAGASA, inaasahang lalakas pa ang bagyo at aabot sa tropical storm category sa loob ng 12 oras.
Posible pa raw itong umabot sa typhoon category pagsapit ng Huwebes, Setyembre 5, o Biyernes, Setyembre 6.