November 05, 2024

Home SPORTS

Carlos Yulo nilinaw mga susunod na plano: 8 ginto sa SEA Games, gustong masungkit

Carlos Yulo nilinaw mga susunod na plano: 8 ginto sa SEA Games, gustong masungkit

May mga nilinaw si two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo sa ilang mga tanong patungkol sa kaniyang buhay, nang tanggapin niya ang ₱5M cash gift mula sa DigiPlus at ArenaPlus nitong Sabado, Agosto 31, sa Cinema 11 ng Gateway Mall 2 sa Cubao, Quezon City.

MAKI-BALITA: Limpak-limpak na! Carlos Yulo, nadagdagan na naman ng ₱5M

Walang tapatang Yulo sa 2025 SEA Games

Kasunod ng mga usap-usapang maghaharap ang magkapatid na Carlos at Eldew Yulo sa 2025 Southeast Asian Games, nilinaw ni Caloy na imposible itong mangyari. Sa naging panayam sa kaniya ng media sa dulong bahagi ng programa,kinumpirma niyang muli niyang kakatawanin ang bansa sa 2025 SEA Games para sa senior level ng kompetisyon. Kasunod nito, nilinaw niya ring ang nakababatang kapatid na si Eldrew ay hindi pa maaaring sumali sa naturang competition level dahil ito ay 16-anyos pa lamang at 18-anyos ang kinakailangang edad upang magkwalipika rito.

Tatay kay Karl Eldrew: 'Tahimik mong ipanalo mga pangarap mo, dito kami ng Mama mo!'

Kamakailan lamang ay natanong ang kapatid na babae ni Carlos na si Elaiza Yulo patungkol dito.

MAKI-BALITA: Bakbakang Yulo! Kapatid ni Carlos Yulo na si Elaiza, makakalaban niya sa SEAG?

Caloy, wafakels sa mga incentives na natatanggap

Nang tanungin ng media kung nabibilang na nga ba ni Caloy ang kabi-kabilang pabuyang kaniyang natatanggap, tila isang mapagkumbabang sagot ang kaniyang ibinigay dito.

“Hindi ko po siya, like binibilang… Sobrang bonus po talaga ng mga nangyayari, dumadating sa buhay ko. Talagang pinakamahalaga sa akin, yung gold medal na nakuha ko,” saad ni Caloy.

Tila “healing the inner child” din ang kaniyang sumunod na sagot matapos niyang balikan ang pinagdaanan ng isang batang Caloy.

“Bilang isang bata na nangarap po talaga and naabot yung pangarap, sobrang nagpapasalamat po talaga ako. Pero doon po talaga ako naka-focus sa nakuha ko na gold medal talaga,” dagdag pa ni Caloy.

Balak makakuha ng 8 ginto sa 2025 SEA Games

Asahan na raw muli niyang ibibigay ang dedikasyon para sa 2025 SEA Games, matapos din sabihin ni Gymnastics Association of the Philippines (GAP) chief Cynthia Carrion na minamatahan niya ang 8 ginto para sa men’s team ng gymnastics.

Samantala, Vietnam daw ang isa sa magiging matinik na kalaban ni Caloy lalo na sa Pommel Horse category kung saan hindi raw niya talaga ito forte. Nabanggit din ni Caloy ang category na handa niyang dominahin katulad ng rings at high bars category.

International training camps

Bilang paghahanda sa 2028 Los Angeles Olympics, balak daw ni Caloy na dumayo ng United Kingdom bilang preparasyon.

“Gusto ko pong makakuha ng techniques nila, and syempre makapag-share din po ng knowledge sa kanila,” saad ni Caloy.

Binabalak din ni Caloy na tulungan ang kasalukuyang programa ng GAP para mas dumami pa ang mga batang sumali sa gymnastics.

Kate Garcia