Iba’t ibang espekulasyon ang lumutang matapos maianunsiyo na sa loob lang umano ng tatlong oras ay sold-out na raw ang ticket para sa concert ng BINI sa darating na Nobyembre 16 at 17.
“According to Star Music, General Public Selling for Ticketnet online and outlets on August 31 will not push through as all tickets have been sold out,” saad sa ulat ng ABS-CBN News noong Biyernes, Agosto 30.
Kaya naman maraming fans ang tila nalungkot sa nasabing balita. Marami rin ang nagsabing may mga nang-hoard umano para ibenta nang mas mahal. Narito ang ilan sa kanilang komento:
"Scalpers ang tunay na paldo HAHAHAHAHA"
"Pasok mga scalpers hahah"
"SCALPERSDapat gawan nyo ng limit pagbili ng tickets,kawawa yung iba .Tas ibebenta ng sobrang mahal ang ticket na nakuha nila. Yung iba makikigaya din ng pagbenta tapos scammers pala."
"kakasali ko lang sa gc ng buy concert ticket grabe totoo nga nag grind mga scalpers"
"Meron pa yan sa Resellers "
"sad dahil wala ng general public selling, dapat kasi sa phil arena na and sana lang walang nag hoard na mga scalpers. dapat balance yung pag release ng tickets and nag limit lang sila sa per day #GrandBINIverse"
Samantala, sa isang post ng Star Magic PH nito ring Biyernes, pinatututok nila ang Blooms—tawag sa fans ng BINI—para sa isa umanong mahalagang anunsiyo.