Panibagong world title na ulit ang nasungkit ng isang atletang Pinoy na ngayo’y kinikilala na bilang World’s No. 1 sa Muay Thai.
Matapos pataobin si Australian Muay Thai reigning champion Sarah Kwa, opisyal nang idineklara ng International Federation of Muay Amateur (IFMA) ang pagkopo ni Pinay Muay Thai athlete Islay Erika Bomogao bilang World’s No. 1 para sa 45kg female elite division, na may kabuoang winning points na 1,920.
Bagama’t noong 2015 lamang nagsimulang pasukin ang Muay Thai, ang 18-anyos na tubong Baguio City na si Islay ay nagkamit na rin ng ilang ginto sa international competition tulad ng 2017 Jincheon 1st World Youth Martial Arts Masterships sa South Korea at 2018 International Federation of Muaythai Amateur (IFMA) Youth World Championships sa Bangkok, Thailand at 2021 Hanoi, Southeast Asian Games.
Kasalukuyang sinusundan si Erika sa world ranking nina Hyunh Ha Huu Hieu ng Vietnam, (1,560 puntos), Hattan Alsaif ng Saudi Arabia (1,372 puntos), Alena Liashkevich ng Belarus, (720 puntos) at Camiella Adanielsson ng Sweden, 640 points.
Kate Garcia