November 23, 2024

Home BALITA National

Richard Gomez nanggigil sa traffic, pinabubuksan ang bus lane

Richard Gomez nanggigil sa traffic, pinabubuksan ang bus lane
Richard Gomez (Facebook); MB file photo

Trending sa X si Leyte 4th District Rep. Richard Gomez matapos siyang umani ng kritisismo dahil sa kaniyang naging post tungkol sa kaniyang reklamo sa mabagal na daloy ng trapiko.

Sa ngayo'y burado nang post, naglabas ng himutok si Gomez sa EDSA traffic, at saka iminungkahing buksan na lamang sa mga motorista ang bus lane tuwing mabigat ang trapiko.

“2 hours in EDSA traffic and counting. From Makati, Ayala nasa SM Edsa pa lang ako up to now. Eh QC ang punta ko. 1 or 2 hours pa ba?!” ani Gomez.

“Ilang bus lang ang gumagamit ng bus lane, bakit hindi buksan during heavy traffic para mas lumuwag ang traffic?” saad pa niya. 

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Agad namang umani ng kritisismo ang naturang post ni Gomez at habang sinusulat ito’y mayroon nang 1,415 posts sa X hinggil sa kaniya.

Narito ang ilang mga komento ng netizens:

“Wow Richard Gomez. Just wow. Eh kung sumakay ka nalang kaya ng bus? Nakakahiya naman sayo na may sariling sasakyan at mas kumportable kesa sa amin na nagsisiksikan makauwi lang ha.”

“Hello Richard Gomez also known as Cong GOMA, Ba’t kaming commuter pa maga-adjust?  What if magpropose kayo ng bill na hindi pahirap sa mga commuters? Pls guys stop voting entitled and out of touch politicians. Take the bus challenge pls for @1richardgomez1.”

“Dear Congressman Richard Gomez: I understand the challenges our commuters face daily while traveling in Metro Manila. Opening bus lanes exclusively for car owners and VIPs undermines the existing transportation framework intended for public benefit. As a lawmaker, your influence is crucial in prioritizing improving our mass transportation system. By enhancing the infrastructure and efficiency of public transport, we can alleviate traffic congestion and provide a more equitable commuting experience for everyone.”

“Now Richard Gomez understands "somehow" the struggle of a normal commuter. Nakakotse ka pa niyan, paano pa kaming namamasahe lang? ”

“Sakanya na po mismo nanggaling na ilang bus lang gumagamit ng bus lane, e di ibigsabihin kulang ang bus kaya nag sisiksikan ang mga tao/commuters diba?  Hahaha laughtrip, he dig a hole of himself.  P.s. i love Richard Gomez as an actor, ok? No hate. Just the words he said here.”

“Entitled Richard Gomez.”

“Bakit hindi ka sumakay ng public bus, ah Richard Gomez, nang maranasan mo talaga kung gaano kabulok ang public transpo sa Pinas. Feeling entitled ka samantalang nagtitiyaga yung mga taxpayers na nagpapasweldo sa inyo.”