Nagpahayag ng suporta si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa mga Pilipinong atleta na nagrerepresenta sa Pilipinas sa 2024 Paris Paralympics.
Sa isang X post nitong Huwebes, Agosto 29, nagbigay ng mensahe si Marcos para sa mga Pinoy athlete na sina Allain Keanu Ganapin, Angel Mae Otom, Agustina Maximo Bantiloc, Cendy Asusano, Ernie Gawilan, and Jerrold Pete Mangliwan.
“As you represent the Philippines in the , know that you are all already champions in our eyes,” ani Marcos.
“Your commitment to your training as elite athletes, despite challenges you face, exemplifies the spirit of the Filipino people.”
Ipinaabot din ng pangulo sa paralympian na palagi nilang tandaang kasama nila ang buong bansa na nakasuporta sa kanilang laban.
“No accolade, praise, or reward can truly return the pride you bring to our country. As you take on the world stage at Paralympics, remember that the whole nation is with you, supporting you every step of the way,” saad ni Marcos.
“Compete with the heart of Filipino warriors, and show the world the strength of our people. We are all immensely proud of you. Best of luck, and !” dagdag pa niya.
Nito lamang ding Huwebes nang ganapin ang pagsisimula ng 2024 Paralympics sa Paris, kung saan inaasahan daw itong matatapos sa Setyembre 8.
MAKI-BALITA: ALAMIN: Schedule ng laban ng 6 na pambato ng Pilipinas sa 2024 Paralympics