“WE STILL INSIST ON BEING FREE!”
Sa pagdiriwang ng National Press Freedom Day ngayong Biyernes, Agosto 30, iginiit ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang mga karapatang dapat natatamasa ng bawat mamamahayag sa bansa.
Sa isang pahayag, binanggit ng NUJP na nananatili pa rin daw sa kasalukuyan ang mga hadlang upang maisakatuparan ang tunay na kalayaan sa pamamahayag.
“Media workers still face the threat of weaponization of the law, harassment in the field, vilification for doing their jobs, and the lack of more binding mechanisms for free access to data and information,” saad nito.
Ayon sa NUJP, may mga mamamahayag sa Davao City ang nalagay sa panganib dahil sa mga indibidwal na hindi sumasang-ayon sa kanilang pag-uulat sa mga nagaganap na operasyon ng Philippine National Police (PNP) sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) compound upang hanapin ang puganteng si Pastor Apollo Quiboloy.
“Media is not infallible and is bound by ethics to avoid errors and to swiftly acknowledge and correct them. But any errors and disputes on reports are best raised through proper editorial channels, not through threats or actual violence,” giit ng NUJP.
“We reiterate our call for parties involved to be forthright with information but not to insist that media carry only the narrative that they want to see and hear,” dagdag nito.
Samantala, binanggit din ng NUJP na dapat na ring makamit ng mga manggagawa sa media ang kanilang karapatan sa aspetong pang-ekonomiya, at solusyunan na ang kanilang mga suliraning tulad ng mababang sahod, hindi secured na trabaho at ang kawalan ng maraming proteksyon at benepisyo na dapat nilang taglayin sa ilalim ng mga batas sa paggawa ng bansa.
“While we welcome the government's designation of August 30 as a day to acknowledge and promote press freedom, the community of independent journalists should and does choose to do every day by reporting, broadcasting and publishing despite the barriers and challenges,” saad pa ng NUJP.
Taong 2022 nang lagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act. 11699 na naglalayong ideklara ang Agosto 30 kada taon bilang “National Press Freedom Day” pagbibigay-pugay sa tinaguriang “Father of Philippine Journalism" na si Marcelo H. Del Pilar.
BASAHIN: BALITANAW: Si Plaridel at ang 'National Press Freedom Day'