December 24, 2024

Home SPORTS

Filipina para archer Agustina Bantiloc, nagpaalam na sa 2024 Paralympics

Filipina para archer Agustina Bantiloc, nagpaalam na sa 2024 Paralympics
Photo courtesy: Philippine Paralympic Committee and Paris Paralympic Game

Nagtapos na ang kampanya ni para archer Agustina Bantiloc sa 1/16 elimination round para sa women’s individual compound open sa 2024 Paris Paralympics.

Naging dikit sa first two ends ang laban ni Bantiloc kontra kay Brazilian para archer Jane Gogel, 58-53. Sa pagpapatuloy, napanatili ni Gogel ang kaniyang game momentum at tuluyang tinapos ang laban, 143-127.

Bagama’t maagang nagtapos sa torneo, naitala ng 55-anyos na Pinay para archer ang kaniyang season’s best matapos magtala ng 168 puntos upang makopo ang ika-28 na puwesto sa ranking round nitong Huwebes, Agosto 29, 2024.

Si Bantiloc ang unang sumabak sa anim na delegado ng Pilipinas sa Paralympics.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Samantala, nakatakda namang sumunod ngayong araw, Agosto 30, 2024 si Jerold Mangliwan sa round 1 ng para athletics. 

Kate Garcia