December 22, 2024

Home BALITA National

DOH, naglabas ng bagong guidelines vs. mpox

DOH, naglabas ng bagong guidelines vs. mpox
Photo courtesy: WHO

Naglabas ang Department of Health (DOH) ng bago at updated na interim guidelines upang maiwasan, matukoy at mapangasiwaan ang sakit na mpox (dating monkeypox).

Ang walong pahinang Department Memorandum No. 2024-0306, o ang updated na DOH Mpox Guidelines ay nilagdaan ni Health Secretary Teodoro Herbosa.

Nakasaad sa naturang guidelines ang sapat na antas ng operational detail upang ang lahat ng health system actors sa lahat ng antas ay magkakaroon ng standard protocols upang labanan ang re-emerging disease.

Alinsunod sa naturang guidelines, lahat ng indibidwal ay dapat na tumalima sa standard minimum precautions upang maiwasan ang mpox kabilang ang mga sumusunod:

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Pag-iwas sa close at intimate, skin-to-skin contact gaya ng sexual contact, paghahalikan, pagyayakapan, at cuddling sa mga taong itinuturing na suspect, probable, o confirmed cases ng mpox. 

Kung hindi maiwasan ang pagkakaroon ng contact dahil kailangang alagaan ang pasyente, dapat umanong tumalima ang mga caregivers sa proper prevention at control measures, kabilang na ang paggamit ng akmang personal protective equipment (PPE).

Dapat din umanong obserbahan ang madalas at tamang hand hygiene, gamit ang alcohol-based hand rub o hand-washing sakaling ang kamay ay marumi at kontaminado.

Dapat ding tiyaking ang mga bagay at mga surface na hinihinalang kontaminado ng virus, o nahawakan ng infectious person, ay nalinisang mabuti at na-disinfect.

Dapat ding iwasan ang kontak sa mga hayop, partikular na ang mga mammals, na maaaring maghatid ng virus, kabilang na ang may sakit o patay na hayop na matatagpuan sa mga lugar kung saan mayroong mpox.

Ang mga healthcare providers naman ay may mandatong obserbahan ang isang high index of suspicion para sa mpox kung nag-e-evaluate ng mga indibidwal na may characteristic ng acute unexplained rash, mucosal lesions, o lymphadenopathy.

Inatasan din silang kaagad na ipabatid sa DOH ang anumang suspect, probable, o confirmed case, sa loob ng 24 oras  ng deteksiyon.

Ang lahat naman ng suspect at probable mpox cases ay susuriin para sa laboratory confirmation ng monkeypox virus (MPXV). 

Ang kanilang mga close contacts naman ay imu-monitor o dapat na mag-self-monitor araw-araw para sa paglabas ng senyales o sintomas ng sakit.

Ang mga high risk naman sa kumplikasyon, gaya ng mga bata, buntis, at yaong immunosuppressed, maging yaong may severe o complicated mpox ay dapat na kaagad na i-admit sa pagamutan.

“The updated DOH Mpox guidelines is scientific and agile. It has been drafted by Filipino experts for Filipino communities, fully aligned with the international response,” ayon kay Herbosa.