Muling naitala sa Philippine Basketball Association (PBA) ang pinakamataas na iskor ng isang player sa single matapos sumabog ang career high ni Northport player Arvin Tolentino.
Pinatunayan ni Tolentino na hindi one-man team ang Northport matapos ang pag-arangkada niya kontra Converge, 135-109 at iukit ang kauna-unahan niyang 51-point marker sa liga, nitong Martes Agosto 26, 2024 sa Ninoy Aquino Stadium, Manila City.
Tila history maker nga ang 28-anyos na forward player dahil matapos ang 20 taon, ay ngayon na lamang ulit nagkaroon ng PBA player na bumuga ng 50 puntos sa isang game matapos ang huling record ni Asi Taulava na nagpakawala ng 51 puntos para sa Talk ‘N Text noong 2000.
Sa kasalukuyang record ng PBA sa mga tinaguriang “PBA Legends,” si Allan Caidic ang nangunguna na may 71 puntos, na sinundan nina Bong Alvarez (74), Danny Florencio (64), Bogs Adornado (64) at Abe King (60).
Samantala, sa pagpasok ng kasalukuyang henerasyon ng mga basketbolista sa PBA, tila nagdikit-dikit naman ang scoring board ng mga manlalarong namayani para sa kanilang koponan.
Nelbert Omolon (40 puntos)
Enero 2008 Philippine Cup nang magtala siya ng 40 puntos para sa Sta. Lucia at pataobin ang koponan ng Air21, 123-106.
James Yap (41 puntos)
Mark Cardona (42 puntos)
Jason Castro (44 puntos)
Terrence Romeo (41 puntos)
KATE GARCIA