November 29, 2024

Home FEATURES Human-Interest

Seafarer, pinili maging angkas driver para makasama asawa, anak

Seafarer, pinili maging angkas driver para makasama asawa, anak
MB FILE PHOTO

"Nakakatuwa pa lang gumising araw-araw kasama ang aking mag-ina. Very priceless."

Hindi naman lingid sa kaalaman ng mga Pinoy, lalo na ng mga Overseas Filipino Workers (OFW), na isa sa mga pinakamahirap na desisyon ay 'yong magtrabaho sa ibang bansa at maiwan ang pamilya. 

Sa isang Facebook post ng Marino PH kamakailan, ibinahagi niya ang kwento ng isang seafarer, na pumukaw sa puso ng mga netizen. 

Kwento ng seafarer, 10 taon na siyang nagtatrabaho bilang Able Seaman (AB). Ang misis niya ay isang high school teacher dito sa Maynila. Noon pa man, pangarap na niya talaga maging seafarer pero nagbago raw ang lahat noong nakaraang taon. 

Human-Interest

Natagpuang crocodile fossil sa Peru, tinatayang nasa 10-12 million years old

"Nagdesisyon akong hindi na sumampa ulit. Nalulungkot na kasi ako sa tuwing malayo ako sa asawa at anak ko," saad ng naturang seafarer.

Nang napagdesisyunang hindi na sasampa sa barko pagkatapos ng huling kontrata, bumili siya ng motor at nag-umpisa bilang angkas driver. 

Sa desisyon niyang maging angkas driver, napagtanto niya na "very priceless" na makasama ang kaniyang pamilya. 

"Nakakatuwa palang gumising araw-araw kasama ang aking mag-ina (very priceless po), and money can't never buy genuine happiness," kwento pa niya.

Noong nasa barko pa raw siya, kumikita siya ng ₱70,000 pero no'ng nag-angkas driver siya kumikita raw siya ng nasa ₱40,000 dahil sa quota niyang ₱1,200 kada araw. 

Mahirap man pero kinakaya niya lalo't kasama naman daw niya ang kaniyang misis. 

Katunayan nga, mayroon daw silang HMO sakaling magkasakit sila. Nakakain din daw sila nang masarap at nakakapag-out of the country pa nga. 

"Napagtanto ko na maikli lang ang buhay, at sa huli, sa lupa rin tayo babagsak," ika pa niya.

Sa huling post, may mensahe siya sa mga kapwa niya niyang seafarer. 

"Kaya sa mga kapwa ko seaman, mag-isip at magdesisyon kayo kung saan kayo talagang magiging masaya, kung saan kayo makakaramdam ng tunay na kaligayahan, dahil maikli lang ang buhay. Ngayon, napagtanto ko na tama ang naging desisyon ko."

Samantala, ang naturang post ay mayroon nang 49K reactions, 4.7K comments, at 5.5K shares, as of this posting.