November 02, 2024

Home BALITA

Salitang 'Shiminet' trending, kanino galing at paano nabuo?

Salitang 'Shiminet' trending, kanino galing at paano nabuo?
Photo courtesy: via Balita/Linya-Linya (FB)/X via Richard de Leon (Balita)

Mukhang muli na namang napatunayang ang "wika ay buhay at patuloy na nagbabago" dahil sa pag-usbong ng salitang balbal na "Shiminet" na nag-trending pa sa X (dating Twitter," matapos dogshowin ng mga netizen ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa kontrobersiyal na budget hearing ng Office of the Vice President (OVP) sa House of Representatives noong Agosto 27.

Nagmula ito sa naging sagutan nila ni House Assistant Minority Leader Arlene Brosas ng Gabriela matapos niyang untagin sa iba't ibang timelines at petsa ang Pangalawang Pangulo patungkol sa kaniyang nagdaang ₱125M confidential funds noong 2022 dahil nagastos umano ito ng opisina sa loob ng 11 araw, ngunit sumagot si VP Sara na nasa Korte Suprema na raw ang pagresolba ng isyu.

Nang tanungin siya ni Brosas kung maaari siyang makakuha ng kopya mula sa Korte Suprema, tahasang sagot ni VP Sara na, "Of course not. I am not the Supreme Court.”

Ngunit giit ni Brosas, "These are public funds. Everyone has the right to know about these. It’s a matter of public interest. We are asking for transparency and accountability."

PBBM, nagpasalamat sa mga loyalistang nagbigay-pugay sa yumaong ama

Tugon naman ni VP Sara, "She may not like my answer. She may not like how I answer. She may not like the content of my answer, but I am answering."

Ilang mga netizen naman ang ginawang memes ang pagbigkas ng salitang "She may not" na ang tunog ay "Shi-mih-net."

Ang Facebook page na "Linya-Linya" ay nagbigay naman ng depinisyon kung ano ang ibig sabihin ng "Shiminet."

Mababasa, "Short for 'shit, mainit;' pakiramdam kapag ginigisa ka sabay wala kang maisagot, kaya dinadaan mo na lang sa angas, pagpapaligoy-ligoy, at pagpapalusot.

Maging ang kilalang manunulat na si Jerry Gracio ay ibinahagi rin ang nabanggit na meme.

Jerry B. Grácio - Oks, hindi na kailangan ang KWF, na-settle na ng... | Facebook

"Oks, hindi na kailangan ang KWF, na-settle na ng Linya-Linya ang ispeling," aniya.

isang nagngangalang "Victor Crisostomo" naman ang naglapat pa ng video ni VP Sara sa isang popular na kanta.

Facebook

Dahil trending topic ito sa X, narito ang ilan sa mga reaksiyon, komento, at post ng X users patungkol dito:

"Meaning ng shiminet: 1. A roundabout way of answering. 2. ⁠Not answering questions properly, and then getting upset because your answer wasn't well-received, especially since you didn't really answer the question."

"She may not pala 'yon hahahaha."

"Oh alam n'yo na hahahaha."

"Masyado talaga ang mga Pinoy ang peperpek eh! Susunod na pangulo ng bansa 'yan at wala kayong magagawa hahaha."

"Ganiyan talaga kapag hitik sa bunga ay binabato. Go lang may President Inday Sara!"

"Shiminet, shiminet, 'yong init-ulo na lang kunwari para ilihis ang sagot hahaha, tapos mamemersonal attack pa. Fallacy nga 'yan sa debates eh haha."

Sa kabilang banda, Iginiit ni Office of the Vice President (OVP) spokesperson Michael Poa na hindi iniiwasan ni VP Sara ang usapin ng confidential funds ng opisina nito noong 2022.

Sa isang panayam ng DZRH kay Poa nitong Miyerkules, Agosto 28, sinabi niyang hindi naman iniiwasan ni Duterte ang mga tanong ukol sa confidential funds, bagkus ay pino-proseso lamang umano ng Commission on Audit (COA) ang tungkol sa notice of disallowances ng OVP.

“Wala pong pag-iiwas sa parte ng ating vice president pagdating dito sa confidential funds. Ang sabi naman po niya, she is cooperating. The OVP, the entire office, has been cooperating talaga with COA. In fact, may responses na tayong ibinigay sa kanila. Tuwing hihingi sila ng supporting documents, nagbibigay rin po tayo. So we are cooperating,” ani Poa.

“But there is a process. And sa proseso na ‘yan, ayaw rin nating ma-prejudice ‘yung nagaganap na exchange between the OVP and COA pagdating dito. Kasi sabi nga natin ay hindi pa final at pwede pa tayong mag-apela. Meron pa rin tayong mga sinasagot na audit findings, so ayaw lang po nating ma-prejudice talaga lahat ng ito,” saad pa niya.

MAKI-BALITA: VP Sara 'di iniiwasan tanong tungkol sa confidential funds, depensa ng OVP spox

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang OVP patungkol dito.

MAKI-BALITA: VP Sara, 'wag daw mag-ugaling pusit sey ni Rep. Castro