November 26, 2024

Home BALITA National

Remulla, ikinatuwa pagbasura ng Timor Leste sa apela ni Teves: 'Justice proceeds!'

Remulla, ikinatuwa pagbasura ng Timor Leste sa apela ni Teves: 'Justice proceeds!'
MULA SA KALIWA: DOJ Secretary Crispin Remulla at Arnie Teves (file photo)

Ikinatuwa ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla ang naging pagbasura ng pinakamataas na hukuman ng Timor-Leste sa extradition request ng puganteng si dating Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr.

Sa isang pahayag nitong Miyerkules, Agosto 28, ibinahagi ng DOJ na nakatanggap sila ng isang opisyal na update mula sa Prosecutor General ng Timor Leste hinggil sa Motion for Reconsideration ni Teves na baliktarin ang desisyon ng Court of Appeals ng naturang bansa kaugnay ng kaniyang extradition.

“We wish to inform the public that this motion has been denied,” anang DOJ, nangangahulugang na wala raw hadlang pa para maibalik si Teves sa Pilipinas at harapin ang kaniyang kinasasangkutang mga kaso.

“We recognize the importance of this decision and are committed to maintaining transparency throughout this process,” dagdag ng ahensya.

National

‘What kind of country is this?’ VP Sara, pinuna ‘di raw pag-aksyon ng gov’t sa banta sa kaniya

Pinuri naman ni Remulla ang naturang pagbasura ng hukuman ng Timor Leste sa mosyon ni Teves at iginiit na mahalagang hakbang ito para sa pagkamit ng hustisya.

"This decision underscores that justice proceeds irrespective of an individual's status," saad ni Remulla.

Nahaharap si Teves sa iba’t ibang murder charges dahil sa umano’y pagkasangkot sa pagpaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo, kasama ng walo pang sibilyang nadamay, noong Marso 4, 2023.

MAKI-BALITA: Teves, isa sa mga tinitingnang mastermind sa pagpaslang kay Degamo - Sec Remulla

Sa gitna naman ng kaniyang pagtatago, noong Marso 21, 2024 nang ihayag ng DOJ na naaresto si Teves ng mga awtoridad sa Timor Leste habang naglalaro ng golf.

MAKI-BALITA: Teves, arestado sa Timor Leste habang naglalaro ng golf – DOJ