Tinawag na ‘premature close’ ni World’s No. 3 EJ Obiena ang pansamantalang pagtatapos ng pagsali niya sa international competitions matapos ang kaniyang kumpirmasyon sa isang Instagram post, Miyerkules ng gabi, Agosto 28, 2024.
Kasalukuyang iniinda ni Obiena ang fractured spine injury sa kasagsagan ng kaniyang kompetisyon sa Diamond League.
“I immediately went to my doctor in Italy, and the MRI revealed what appeared to be a stress fracture in my spine. Unfortunately, a later CAT scan confirmed the diagnosis. I have a fractured L5 vertebra,” kuwento ni Obiena sa kaniyang Instagram post.
Sa pagpapahinga ni Obiena, tatlong magkakasunod na kompetisyon pa ang naiwanan niya dahil sa maagang pagbalik sa bansa. Hindi na rin makikipagsabayan si Obiena sa ligang kaniyang inorganisa na International Pole Vault Challenge sa darating na Setyembre 20, 2024 sa Makati City.
Samantala, nangako rin naman siya sa mas malakas na pagbalik kung saan muli siyang sasabak sa indoor competitiion sa 2025 para sa Southeast Asian Games na gaganapin sa Thailand.
“Hopefully, now that I’ve identified the source of my back problems this year, with the required 4-weeks off to heal, I’m hoping to return pain-free and ready for the 2025 indoor season,” saad ni Obiena.
Kate Garcia