January 22, 2025

Home BALITA

Kabayan Noli, abogado ni Quiboloy nagbardagulan: 'Palabasin n'yo siya sa lungga!'

Kabayan Noli, abogado ni Quiboloy nagbardagulan: 'Palabasin n'yo siya sa lungga!'
Photo courtesy: Screenshot from Kabayan/Teleradyo

Trending ang salitang "Kabayan" sa X (dating Twitter) dahil sa panonopla ni Kabayan Noli De Castro sa legal counsel ni Pastor Apollo Quiboloy na si Atty. Israelito Torreon na nakapanayam niya sa kaniyang radio program, patungkol sa patuloy na paghahanap sa pastor-founder ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na nahaharap sa patong-patong na kaso.

Giit ni Kabayan, kailangan daw ilabas sa "lungga" si Quiboloy upang harapin ang kaniyang mga kaso, kaysa sa nagtatago ito. Ang mga karaniwang mamamayan daw kasi na nasasakdal ay ginagawa ito alinsunod na rin sa batas.

Tila hindi nagustuhan ni Kabayan ang naging pagsagot ng mga legal counsel ni Quiboloy kaya mapapansing tumaas ang boses at naging firm ang pagsasalita ng batikang mamamahayag.

"Patunayan ninyo, palabasin n'yo siya sa lungga, at saka kayo mag-file. Eh kahit tumatawa kayo, attorney kayo, kami pangkaraniwang tao, ang alam namin ho ang taong may kaso ay dapat lumabas at ipagtanggol ang kaniyang sarili lalo na po ang isang tao na katulad ni Pastor Quiboloy na Son of God," giit ni Kabayan.

National

Bagong kurikulum ng DepEd, ipatutupad sa S.Y. 2025-2026

Giit naman ng abogado, iyon daw ang view ni Kabayan subalit mali raw ito dahil meron daw itong alternatibo, bagay na iginiit ni Kabayang Noli na hindi raw siya mali.

"Patunayan niyang wala siyang kasalanan, at kami'y maniniwala kapag siya ay lumabas na, at ang proseso ng batas, doon pa lang kami maniniwala na wala siyang kasalanan Attorney, remember attorney ho kayo, lahat ng attorney talaga ipagtatanggol kahit pa kriminal ang isang tao, ipinagtatanggol po ninyo 'di ba? I'm not talking of Quiboloy, pero kayong mga attorney ganiyan ang asal ninyo.

Paliwanag naman ng abogado, kaya raw hindi pa lumalabas si Quiboloy ay nais niyang makatiyak na sa kaniyang paglabas ay hindi siya ipadadala sa Amerika dahil may kinakaharap din siyang kaso roon.

Nag-request daw si Quiboloy kay Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. na maglabas ito ng written declaration na kailangan niyang i-clear ang pangalan niya sa Pilipinas, at huwag siyang ipadala sa US.

"Kailangan niyang i-clear ang pangalan niya rito, na-dismiss na nga itong kaso na ito eh. And it is within his right to really question the finding of probable cause, ginawa nga ito nina [former] Senator [Ping] Lacson, bakit hindi niya puwede itong gawin?" saad ng legal counsel.