November 26, 2024

Home BALITA National

DOH, nagbabala sa publiko vs 'malicious' page na ginagamit pangalan ng PGH

DOH, nagbabala sa publiko vs 'malicious' page na ginagamit pangalan ng PGH
(MB file photo; DOH; PGH)

Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko laban sa mga Facebook page na "malisyosong" ginagamit ang pangalan ng Philippine General Hospital (PGH).

“The DOH clarifies that these pages are fake and are not affiliated with nor endorsed by PGH and the Department,” anang DOH nitong Huwebes, Agosto 29.

“Any statements, comments, and transactions made by these accounts are fraudulent,” dagdag nito.

Kaugnay nito, iginiit ng DOH na maaaring ihain ang criminal charges laban sa naturang mga Facebook page.

National

‘What kind of country is this?’ VP Sara, pinuna ‘di raw pag-aksyon ng gov’t sa banta sa kaniya

“The DOH states that criminal charges may be pressed if related post/s shall persist,” saad ng ahensya.

“The DOH continues to enjoin the public to source information only from legitimate sources and platforms, such as the Health Department, which can be accessed through the links and social media handles below,” dagdag pa nito.