Sisimulan ng Alas Pilipinas Women at Men’s team ang dalawang araw na volleyball action sa Alas Pilipinas Invitationals na gaganapin sa Setyembre 7-8 sa PhilSports Arena sa Pasig.
Magsasagupaan ang Alas Pilipinas Women laban at Saga Hisamitsu Springs, na 9 na beses nang kampeon sa Japan V League. Ito ang unang pagkakataon na haharapin ng Alas ang Japan matapos ang matagumpay nilang kampanya sa SouthEast Asian V-league kung saan nag-uwi sila ng back-to-back bronze.
Samantala, sasalubungin ng Alas Pilipinas Men’s team ang superstar ng Japan national team na sina Yuji Nishida at ang Osaka Bluteon sa isa pa ring friendly match-up. Parte ito ng paghahanda ng koponan para sa 2025 Federation of International Volleyball (FIVB) World Championship na gaganapin sa bansa.
Sa unang pagkakataon din ay hindi makakasama sa line-up si Alas Pilipinas women’s team captain Jia Morado-De Guzman dahil sa pagbalik niya sa Denso Airybees. Inaabangan din kung makakabalik pa nga ba si Alas Pilipinas men’s team captain Bryan Bagunas dahil sa isang undisclosed injury nia noong SEA VLeague.
Kate Garcia