Magsisimula ngayong Huwebes, Agosto 29 ang 2024 Paralympics na gaganapin pa rin sa Paris kung saan 6 na Paralympians ng bansa ang magtatangkang makapag-uwi rin ng karangalan.
Mauunang sumalang sa kompetisyon si Agustina Bantiloc sa Para Archery na magsisimula rin ngayong araw sa ganap na 7:00 ng gabi.
Sa Biyernes, Agosto 30 naman makikipagtunggali si Jerold Mangliwan sa round 1 ng Para Athletics sa ganap na 4:00 ng hapon.
Sa parehong araw naman, Linggo Agosto 31, magkasunod na sasabak sina Para Swimmer Ernie Gawilan sa 200m Individual Medley sa ganap na 3:00 ng hapon at si Allain Ganapin sa Para Taekwondo na magsisimula ng 4:00 ng hapon.
Susundan naman ito ni Ernie Gawilan sa Linggo, Agosto 31 sa Para Swimming sa isang 200m Individual Medley sa ganap na 3:00 ng hapon.
Itutuloy naman ni Gawilan ang kaniyang kampanya sa Setyembre 2 para sa 400m Freestyle, na magsisimula ng 3:00 ng hapon.
Sa Setyembre 3 naman magsisimula si Angel Otom sa women’s division ng Para Swimming para sa 50m backstroke sa ganap na 3:30 ng hapon.
Balik-aksiyon din sina Mangliwan sa Setyembre 6 sa Men’s 100m butterfly sa ganap na 1:00 ng umaga at Otom para sa women’s 50 butterfly, 3:00 ng hapon.
Panghuli namang makikipagsabayan sa women’s Javelin Throw competition si Para Athletics Cendy Asusano sa Setyembre 7, 4:00 ng hapon.
Tatangkain ng 6 na Paralympians na makapagkamit na muli ng titulo ang bansa sa Paralympics matapos ang makasaysayang bronze medal ni Para Powerlifting athlete na si Adz Dumapong noong 2000 sa Sydney Paralympics.
Kate Garcia