Ikinababahala ngayon ng Strays Worth Saving (SWS) ang isang narescue nilang aso na idinulog sa kanila matapos umanong tagain ang ulo nito ng hindi kilalang salarin.
Sa Facebook page ng Strays Worth Saving (SWS) nito lamang Martes, Agosto 27, makikita ang asong si Ampon na halos mahati ang ulo at mukha.
Isinaad din ng SWS na nakalabas na ang ilang bahagi ng utak ng aso na naging dahilan ng mabilis na pagkalat ng impeksyon.
“I was messaged about Ampon late night but it was only in the morning that I managed to see it. This is why I was so worried the dog might not have made it since the injury in the photos as extreme. According to Lars Cano, the owner/reporter, Ampon was hacked/tinaga on the head and the wound was so deep it sIiced the flesh reaching the brain. It is a miracle that the dog named Ampon remains aIive,” kuwento ng SWS kung paano nakaabot sa kanila ang sinapit ni Ampon.
Dahil sa kalunos-lunos na sinapit ng aso, agad na nagpadala ng rescuer sa Tanay ang SWS.
“Upon learning that Ampon is still alive, I immediately sent rescuer Jun all the way to Tanay and have Ampon brought to Vetlink Vet Clinic for its much needed treatment and possible surgery to close the wound,” saad ng SWS.
Tinatayang aabot sa ₱25,000 ang halaga ng operasyon ni Ampon upang maisara ang nakabukas nitong ulo. Bukas ang SWS sa mga nais makipag-ugnayan para sa donasyon na nais maipaabot kay Ampon.
Maaari ring dumirekta sa mga sumusunod na detalye:
China Banking Corporation
SWS Good News Foundation Corp
137500012221
GCash
09560553566 (AN...A R.)
09706957555 (AR…N AN…Y C.)
Paymaya & Coins.ph - 09176363824
Unionbank
109452801813
Melanie Ramirez
Bank of the Phil Islands (BPI)
1289494037
Melanie Ramirez
Banco de Oro (BDO)
002280238329
Antonia Ramirez
KATE GARCIA